Para lagi mong natatandaan ang mga leksiyon mo araw-araw at mapanatili ang streak mo, pwede kang magtakda ng paalala para sa arawang praktis sa pamamagitan ng notipikasyon sa phone o email.
1. Pindutin ang tab ng Profile (icon ng mukha) sa menu sa ibaba ng home screen.
2. Pindutin ang Settings (icon ng gear)
3. Mag-scroll sa bahagi ng "Mga Notipikasyon"
4. Pindutin ang icon ng phone para paganahin ang notipikasyon sa loob ng app at pindutin ang icon ng sobre para paganahin ang pagpapaalala sa email
5. I-edit ang oras ng Paalala at AM/PM ayon sa gusto mo
6. Pindutin ang "TAPOS" sa gawing kanan sa taas ng screen mo kung tapos ka na
Kung gusto mong huwag paganahin ang mga notipikasyon, alamin ang detalye rito.
TANDAAN: Kung hindi mo pinayagan dati ang Duolingo na padalhan ang gadget mo ng mga notipikasyon, aabisuhan kang payagan ito. Pindutin ang "Payagan" sa pop-up.