Paano ko hahanapin, susundan at/o haharangan ang mga mag-aaral?

Pwede mong sundan ang sinumang gusto mo sa Duolingo*. Pwede ka ring mag-imbita ng mga kaibigan para sumali. Kapag may sinundan ka, lalabas sila sa Listahan ng Mga Kaibigan mo, at pwede kayong magkumpara ng pangkalahatang XP. Sa web, makikita mo ang Listahan ng Mga Kaibigan mo sa homepage. 

TANDAAN: Iba ang Listahan ng Mga Kaibigan sa Listahan ng Lider kung saan nakikipagtagisan ka sa mga mag-aaral ng Duolingo sa lingguhang kompetisyon ng XP. Alamin pa ang tungkol sa Listahan ng Lider dito.

 

Pangkalahatang XP lang ang ipapakita ng Listahan ng Lider ng kaibigan mo.  Nasa taas ang mga kaibigang may pinakamatataas na puntos. Pwedeng i-scroll ang listahang ito, kaya kung hindi mo makita ang taong hinahanap mo, subukang mag-scroll pababa habang nasa listahan ng lider ang mouse mo.

 

Paano Maghahanap/Mag-iimbita ng Mga Kaibigan? 

Sa ibaba ng Listahan ng Mga Kaibigan, may ilang mga buton. Pwede mong mahanap ang mga kaibigan mo sa Facebook sa pagpindot sa "Maghanap ng kaibigan sa Facebook". Pwede ka ring magpadala ng imbitasyon sa email sa pamamagitan ng pagpindot sa "Mag-imbita."

Kung gumagamit na ng Duolingo ang kaibigan mo at alam mo ang username o email address ng account niya, pwede mo siyang hanapin sa loob ng Duolingo.

tl22.png

 

Paano Sundan/Huwag Sundan ang mga kaibigan? 

Pwede mo ring sundan ang gusto mong mga tao sa Duolingo. Kapag nakarating ka sa page ng profile nila, pindutin ang buton na "Sundan" para idagdag sila sa Listahan ng Kaibigan mo. Hindi nila kailangang tanggapin ang hiling mo. Pwede ka rin nilang sundan kung gusto nila. Kung iba-block ka nila, hindi mo na sila maidaragdag, masusundan, o makokontak. Ang maximum na bilang ng sinusundan ay 1000 sa ngayon. Hindi ka na pwedeng magdagdag ng higit pa sa 1000 mag-aaral. 

Para huwag nang sundan ang isang kaibigan, pindutin ang "Sinusundan" para huwag nang sundan ang mag-aaral.

TANDAAN: Kung hindi mo masundan ang iba, baka hindi na aktibo ang account mo. Pakikumpleto ang isang leksiyon. Pakitingnan din kung naberipika na ang email mo.  

UbUt23Z.png

Paano ko iba-block ang isang tao?

Para mag-block ng tao sa web ng Desktop, sundin ang mga instruksiyong ito:

  1. Bisitahin ang profile niya
  2. Pindutin ang ... sa kanang bahagi ng litrato niya
  3. Pindutin ang "I-block si <username>"

Para i-block ang isang tao sa app sa Android at iOS, sundin ang mga instruksiyong ito:

  1. Pindutin ang profile ng mag-aaral
  2. Mag-scroll hanggang sa ibaba, pindutin ang "I-block ang User"
  3. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pagpindot sa "Harangan"

TANDAAN: Pwede mong alisin ang pagharang sa isang mag-aaral sa pagpindot ng "I-unblock ang user"

 

*Mga Limitasyon: 

  • Hindi mo pwedeng sundan ang higit pa sa 1000 mag-aaral. Ang maximum ay 1000.
  • Hindi mo pwedeng sundan ang mga mag-aaral na may paghihigpit sa edad (mga mag-aaral na mas bata sa 13 taong gulang).
  • Hindi mo pwedeng sundan ang isang mag-aaral na naka-Pribado ang profile.
  • Kung hindi ka aktibo, hindi mo pwedeng sundan ang ibang tao. Kumumpleto ka ng isang leksiyon, at pwede na ito!