Huling na-update: Mayo 2022
Ang Duolingo na isang app sa pag-aaral ng wika ay ang pinakapopular na paraan sa buong mundo para mag-aral ng mga wika. Ang misyon ng kompanya ay makabuo ng pinakamahusay na edukasyon sa buong mundo na pwedeng magamit ng kahit sino.
Masaya ang pag-aaral sa Duolingo, at epektibo ito ayon sa mga pananaliksik! Sa mga mabibilis na maiikling leksiyon, makakakuha ka ng mga puntos at makakapagbukas ng mga bagong lebel habang nagkakaroon ng mga kakayahan sa komunikasyong ginagamit sa tunay na buhay.
Dagdag pa sa appcore platform nito sa pag-aaral ng wika, nilikha ng kompanya ang Duolingo English Test, isang abot-kaya at madaling opsiyon ng sertipikasyon sa wika na tinatanggap ng libo-libong mga institusyon sa buong mundo.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang tungkol sa amin na page.