Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa mikropono mo at mga ehersisyo ng pagsasalita, pakisundan ang mga instruksiyon sa ibaba batay sa platform (web, iOS, o Android). TANDAAN: hindi lahat ng kurso namin ay may ehersisyo ng pagsasalita.
Sa Web
Para mapraktis ang kakayahan mo sa pagsasalita, pakibigyan ng permiso ang Duolingo para magamit ang mikropono mo sa Google Chrome. Chrome pa lang sa ngayon ang tanging web browser na nagpapahintulot sa pagkilala ng pananalita.
Sa unang beses mong paggamit ng Duolingo sa Google Chrome, tatanungin ka kung papayagan mo ang Duolingo na gamitin ang mikropono mo. Makikita mo dapat ang mga sumusunod na abiso mula sa gawing kaliwa sa itaas, at dapat piliin mo ang "Allow".
Kung aksidente mong na-"Block" ang Duolingo sa paggamit ng mikropono, hindi na magagawa mula sa puntong iyon ang mga ehersisyo sa pagsasalita na nangangailangan ng mikropono. May dalawang madaling paraan na pwede mong gawin para palitan ang iyong permiso sa mikropono para payagan ulit ang Duolingo na magamit ang mikropono mo.
1. Kapag ikaw ay nasa ehersisyo ng pagsasalita na nangangailangan ng mikropono, makikita mo dapat ang icon ng isang video camera sa dulo ng address bar ng browser mo. Pindutin ang icon ng recorder sa address bar mo, piliin ang "Always allow https://www.duolingo.com to access your microphone," pagkatapos ay pindutin ang "Done".
2. Ang isa pang paraan para ayusin ito ay pindutin ang "Secure" sa tabi ng address bar ng browser mo. May lilitaw na kahon na may drop-down menu para sa settings ng Mikropono. Ilagay sa ON ang nasa tapat ng mikropono pagkatapos ay i-load ulit ang page para ma-update ang settings mo.
Sa iOS
Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa ehersisyo sa pagsasalita sa app ng Duolingo sa iOS, pakitingnan ang sumusunod na mga setting/permiso:
- Nakalagay ang mga ehersisyo ng pagsasalita sa ON sa app ng Duolingo sa iOS (tab ng Profile > Mga Setting > Ehersisyo ng pagsasalita)
- Nakalagay ang mga permiso sa mikropono sa ON sa Settings app ng iOS mo (Buksan ang Settings app > Privacy > Microphone > Duolingo)
- Nakalagay ang pagkilala ng pananalita sa ON sa Settings app mo sa iOS (buksan ang Settings app > Privacy > Speech Recognition > Duolingo). Ginagamit ng app ng Duolingo sa iOS ang software sa pagkilala ng pananalita ng Apple, kaya siguruhing napapagana ang kinakailangang mga permisong iyon
Sa Android
Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa mga ehersisyo ng pagsasalita sa app ng Duolingo sa Android, pakitingnan ang sumusunod na mga setting/permiso:
- Nakalagay ang mga ehersisyo ng pananalita sa ON sa app ng Duolingo sa Android (tab ng Profile > Mga Setting > Ehersisyo ng pagsasalita)
- Nakalagay ang mga permiso sa mikropono sa ALLOW para sa Duolingo sa settings ng Android mo
- Nakalagay ang mga permiso sa mikropono sa ALLOW para sa app ng Google. Ginagamit ng app ng Duolingo sa Android ang pagkilala sa pananalita ng Google para sa mga ehersisyo ng pagsasalita namin.